TV

22-year-old singer-songwriter, inaming nahirapan sa online audition ng 'The Clash' Season 3

By Jansen Ramos

Kahit hindi na bago sa pagsali sa mga singing competition, hindi pa rin naiwasan ng 22-year-old singer-songwriter na si Yuriel Javier, tubong Cabuyao, Laguna, na mahirapan nang mag-audition sa bagong season ng The Clash.

Kwento niya sa kanyang vlog para sa The Clash Cam, "Kabado pa rin ako kahit na online auditions pa rin sya, pero ayun nga, medyo 'di ko rin nga alam ang gagawin ko no'n kasi very limited lang din ang alam kong kantahin na papasok sa genre ko."

Ani Yuriel, wala sa kanyang plano ang pagsali sa GMA singing competition hanggang sa napilit siya ng kanyang mga kaibigan.

"'Di ko po ine-expect na makapasok sa first screening. Actually, tinry ko lang s'ya, nakita ko lang 'yung post ng The Clash sa Facebook or parang tinag lang ata ako ng friends ko. So sabi ko, why not try?"

Ngayong kabilang na siya sa top 30 ng kompetisyon, gagawin daw ni Yuriel ang lahat para manalo.

Ika niya, "I will do my very best para maibigay ang lahat-lahat para sa competition na 'to."

Sa kanyang Facebook account, nagpa-sampol si Yuriel ng kanyang magandang boses kung saan ibinirit niya ang "Put The Gun Down" ng American singer na si ZZ Ward.


Isang Laguñeno na kaya ang susunod sa yapak nina Golden Cañedo at Jeremiah Tiangco?

Subaybayan ang journey ni Yuriel sa The Clash simula ngayong Sabado, October 3, 7:15 p.m., sa GMA-7. Mapapanood din ang all-original Filipino singing competition tuwing Linggo, 7:45 p.m.

Kung hindi man kayo makanood sa telebisyon, may live streaming ang The Clash sa official Facebook page at YouTube channel ng programa.