What's on TV

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, excited na sa pagsisimula ng 'The Clash' Season 3 bukas

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 2, 2020 1:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hudson Williams, Tom Blyth sit front row together at Milan Fashion Week
Kapin 1.9 Million Deboto, Nisalmot sa Solemn Foot Procession | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz Julie Anne San Jose Rita Daniela Ken Chan


Bukod kina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, magbabalik rin ang journey hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Excited na ang The Clash masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa pagsisimula ng Season 3 bukas, October 3.

The Clash Season 3

Magsisimula na bukas, October 3, ang pinakabagong season ng singing competition na 'The Clash.'

Ayon kay Rayver, kaabang-abang ang bagong entablado ng The Clash para masundan nila ang social distancing sa set.

Saad ni Rayver sa interview ng 24 Oras, “Maraming pinagkaiba, first of all 'yung stage bago kasi wala namang audience.”

“'Yung flow ng show, iba rin, kasi nga hindi naman tayo pwede mag-akapan at maglapit.

“Iba 'yung mga pasabog ng compare sa season 1 and season 2, sinigurado namin na ganun.”

Kumpleto na ang Top 30 Clashers ng programa at kuwento ni Julie Anne, marami ang umiyak nang sila mismo ni Rayver ang nagsabi na pasok sila sa Top 30.

Kuwento ni Julie Anne, “Magandang experience ito kasi 'yung Zoom meeting na 'yun, hindi nila alam na nandoon kami.

“So doon namin sinasabi sa kanila kung pasok sila doon sa Top 30.

“Iba-iba talaga 'yung reaction nila, paano 'yung experience nila joining the audition.

“Nakakataba talaga ng puso.”

Bukod kina Julie Anne at Rayver na mas kilala bilang JulieVer, magbabalik rin bilang journey hosts sina Ken Chan at Rita Daniela.

Ayon kay Ken, nasaksihan niya ang mahigpit pagpapatupad ng safety precautions sa set nila nang minsan ay mapagalitan siya dahil dikit siya nang dikit kay Rita.

Pag-amin ni Ken, “Minsan nga napagalitan po ako kasi napagalitan ako kasi dumidikit ako sa kanya [Rita].

“Bawal talaga, very strict 'yung production d'yan and very strict 'yung GMA.

“Dahil nasanay ako na humahawak-hawak ako sa kanya, so doon ako medyo nahirapan.”

Nagbigay naman ng payo si Rita sa Top 30 Clashers. Parehong nagmula sa singing competition na Popstar Kids sina Rita at Julie Anne.

Payo niya, “Believe in your talent, importante 'yun.”

“Kailangan isa 'yun sa weapon mo, hindi pwede 'yung pag sumali ka tapos nalaman mo na mas magaling 'yung kalaban mo, 'Ay, siya na 'yung mananalo.'

“Ang dami nilang nag-audition pero 30 lang 'yung napili so kailangan nilang i-enjoy.”

Magbabalik din ang The Clash panelists na sina Asia's Nightingale Lani Misaluchia, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at Kapuso Comedy Queen Aiai Delas Alas.

Mapapanood ang The Clash Season 3 tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:45 p.m., sa GMA Network simula bukas, October 3.