
Susubukan naman ng To The Top cotender na si Aerone Mendoza ang kanyang kapalaran sa bagong season ng The Clash.
Isa ang ngayo'y 24-year-old Caloocan City singer sa Top 30 ng GMA singing competition na simula nang mapapanood bukas, October 3.
Ika niya sa The Clash Cam, "Natuwa ako pero kinabahan ako nang malala kasi season three na 'to so, for sure, mas malala 'yung mga mangyayari, mas mabibigat 'yung mga makakalaban. Ako, personally, 'di naman ako biritero pero up to challenges ako so I guess 'yun 'yung pinakabala ko."
Taong 2015 nang sumali si Aerone sa To The Top kung saan siya naging parte ng Top 25.
Ayon sa kanyang dating interview para sa boy band search, sinabi niyang hindi niya kailanman makakalimutan ang pagkanta.
"Dumating ako sa point na gusto kong talikura 'yung pagkanta ko. Parang kahit anong gawin kong pagtalikod, ito pa rin 'yung para s 'akin. Callling ba."
Dahil sa kanyang stint sa To The Top, nagkaroon ng pagkakataon si Aerone na makapag-perform sa GMA musical online platform na Playlist para mag-promote ng kanyang musika.
Panoorin ang kanyang Playlist sessions dito: