
"Easy-han mo lang, pare."
Ito ang payo ni The Clash judge Aiai Delas Alas sa 23 years old na si Judah Vibar matapos nitong kantahin ang "Tadhana" ng bandang UDD sa 'Laban Kung Laban' round ng singing competition.
Ayon sa Comedy Queen, ninerbyos siya sa performance ni Judah.
"Pag lahat ng tao gusto pakinggan ka, make it relaxed for them. 'Yun yung [napansin] ko sa 'yo na medyo ninerbyos ako na paghini-hit mo na 'yung notes. Parang mahi-hit n'ya ba, kaya n'ya ba?"
Kaugnay nito, sinabi ni Christian Bautista na importanteng matumbok ni Judah ang high notes dahil siya ay nasa contest.
Saad niya, "Ingatan mo lang 'yung birit parts. You're gonna hit that, man, kasi 'yun ang highlight. Honestly kami rin, sometimes we have off days parang 'di namin ma-hit 'yung notes. Pero now you're in a contest so you have to really gonna hit that."
Samantala, naniniwala si Lani Misalucha na may i-i-improve pa si Judah.
"You can make it better kasi gusto ko kasi talaga, sa totoo lang, na nalalagyan mo ng variation," aniya.
Komento pa ng Asia's Nightingale, "Tapos 'yung mga high notes sa chorus mo, ginawa mong parang falsetto. Baka pwede naman sa second time, iba na naman na bibgyan mo s'ya ng force para maging iba lang at saka para makita pa namin kung hanggang saan 'yung kaya ng boses mo."
Sa huli, tinanghal pa rin si Judah na panalo sa round, kung saan nakalaban niya ang Popstar Kids contender at Sugarpop member na si Cholo Bismonte.
Panoorin ang buong performance ni Judah dito: