
Napa-wow ang The Clash judges sa unang performance ng 24-year-old Cebuanang si Jessica Villarubin sa new season ng GMA singing competition.
Solid ang pagkakakanta ni Jessica ng contest piece na "Lipad ng Pangarap" sa "Laban Kung Laban" round kung saan nagwagi siya kontra kay Ozi Trestiza.
Ika ni Asia's Nightingale Lani Misalucha, "Ayaw mong paawat, ano. Talagang todong-todo, talagang ibinigay mo lahat."
Maging ang istriktong hurado na si Christian Bautista ay bumilib sa talento ni Jessica.
"You are very, very good sa pagkanta mo.
"Keep on fighting and you did a wonderful performance," sabi ng Kapuso singer/actor.
Samantala, hindi lang naantig si Comedy Queen Aiai Delas Alas sa swabeng performance ni Jessica, kung 'di na rin sa kanyang pinagdaanang pambu-bully noon.
Kaya naman payo niya sa Clasher, "Sa lahat nang nagsasabi sa 'yo na magaling ka lang 'di ka maganda, sabihin mo sa kanila, 'Tse, beauty is in the eye of the beholder,' so behold."
Panoorin ang buong performance ni Jessica rito: