
This Saturday, November 21, magsisimula na ang round four ng The Clash na pinamagatang "Royal Rambol."
Hinati ang Top 12 contestants sa tatlong grupong pinangalanang Four-of-a-Kind, Lakambini, at All New Vibe.
Binubuo nina Yuri Javier, Renz Robosa, Sheemee Buenaobra at Larnie Cayabyab ang grupong Four-of-a-Kind.
Sina Jennie Gabriel, Jessica Villarubin, Shannen Montero at Audrey Mortilla naman ang bumubuo ng grupong Lakambini.
Samantala, sina Fritzie Magpoc, Cholo Bismonte, Princess Vire, at Nina Holmes ang mga miyembro ng All New Vibe.
Sa mas pinatinding agawan ng upuan, kaninong boses ang may malakas na laban para magpatuloy sa kompetisyon?
Abangan 'yan this Saturday, November 21, 7:15 p.m. sa The Clash.
Sa mga hindi makakanood ng episode sa telebisyon, may livestreaming ang The Clash sa Facebook page at YouTube channel ng programa.