GMA Logo the clash
What's on TV

Unang batch ng mga pumasa sa first screening ng 'The Clash' Season 4, kilalanin!

By Jansen Ramos
Published June 21, 2021 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

the clash


Sa mga hindi pa nakakapag-audition para sa bagong season ng 'The Clash,' maaari pa kayong humabol!

Inilabas na ng The Clash kahapon, June 20, ang unang batch ng mga pumasa sa first screening ng audition para sa ika-apat na season ng GMA all-original singing competition.

Base sa opisyal na listahan, 22 ang bilang ng masuwerteng tutungtong sa next screening ng The Clash--pito mula NCR, 11 mula Luzon, dalawa mula Visayas, at dalawa mula Mindanao.

Sa mga nais pang sumali, ongoing pa ang online audition para sa bagong season ng The Clash.

Ipadala ang inyong audition piece dito at sagutan ang required fields.

Ang The Clash Season 4 ay pinangungunahan ng Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, kasama ang Journey Hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Ilan lamang sa mga produkto ng Kapuso singing competition ay sina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, at Jessica Villarubin, mga tinanghal na grand champions.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa The Clash, bisitahin lamang ang official Facebook page ng programa at ang GMANetwork.com.