What's on TV

'The Clash 2021' contestant mula Davao del Norte, nais tulungan ang kapatid na may special needs

By Jansen Ramos
Published September 21, 2021 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

julia serad of the clash


Ang 25-year-old Davao del Norte native na si Julia Serad na kaya ang papalaring manalo sa 'The Clash 2021?'

Isa sa mga The Clash 2021 aspiring grand champion ang 25-year-old na si Julia Serad na tubong Tagum, Davao Del Norte.

Dito nagtatrabaho sa Maynila si Julia bilang performer sa isang lounge bar sa isang integrated resort sa Pasay City.

Noong nagsimula ang pandemya, puro virtual performances ang kanyang ginagawa kaya nagkaroon siya ng time na sumali sa TV singing competition.

"Before I decided to audition to The Clash, I'm actually a virtual performer kasi nga nag-pandemic na tayo so what we do is we give online performances.

"I used to be in a group and then we decided na maghiwa-hiwalay muna and I decided to also sing and perform alone."

Naniniwala si Julia na makakabuti ang pagsali niya ng The Clash 2021 para matulungan ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang kapatid na may special needs.

"I think of all the years of watching The Clash, this is actually good for me. One moment kasi ang Mama ko lang nagtatrabaho, meron kasi akong kapatid na may special needs.

"At the time kasi no'ng pinanganak 'yung kapatid ko, hindi pa masyadong stable 'yung trabaho ng Papa ko. It's a way of giving back [kung ano 'yung naitulong nila sa akin.]," bahagi ni Julia.

Hindi pa man nagsisimula ang The Clash 2021, nagpakitang gilas na ang Davaoeña.

Sa kanyang YouTube channel, maririnig ang version niya ng "Here's Your Perfect" ng Welsh musician na si Jamie Miller.

Panoorin dito:

Samantala, narito ang kumpletong listahan ng top 30 contestants ng The Clash 2021:

Babalik bilang Clash Masters sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa The Clash 2021, gayundin sina Ken Chan at Rita Daniela bilang Journey Hosts.

Asahan din ang pagbabalik ng mas makilatis at mapanuring The Clash panel na binubuo nina Asia's Nightingale Lani Misalucha, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista at Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas sa bagong season ng Kapuso singing competition.

Sino kaya ang susunod sa yapak nina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco at Jessica Villarubin? Abangan sa The Clash 2021 malapit na sa GMA.