
Pahigpit nang pahigpit ang labanan sa The Clash 2021 dahil mula 30 kalahok, 12 na lang natitirang Clashers para sa fourth season ng GMA original musical competition.
Pitong babae at limang lalaki ang makapagpatuloy ng kanilang The Clash journey matapos matagumpay na nalagpasan ang ikatlong round ng kompetisyon na "Pares Kontra Pares."
Pinakaramaring Clashers mula Luzon ang nakapasok sa top 12. Iyan ay sina Fame Gomez, Kaye Eliseo, Ralph Padiernos, Rare Columna, at Vilmark Viray.
Proud representative naman ng Leyte ang nag-iisang Clasher mula Visayas na nakapasok sa top 12 na si Lovely Restituto.
Hindi rin nagpahuli ang mga taga-Mindanao dahil apat na contestant mula sa isla ang makakapagpatuloy ng kanilang laban sa The Clash 2021. Iyan ay sina Anthony Uy, Julia Serad, Mariane Osabel, at Renz Fernando.
PInatunayan naman ng mga Manileño na sina Jeffrey Dela Torre at Mauie Francisco na hindi lang looks lang ang kanilang pamabato dahil may ibubuga rin sila pagdating sa kantahan.
Sa pagpapatuloy ng The Clash 2021 ngayong Sabado, November 20, magsisimula na ang "Round 4: Three Versus Three."
Sa bagong round, hinati sa apat ang mga natirirang Clashers para makabuo ng trio para magharap-harap sa The Clash arena.
Ang mga grupong iyan ay binubuo nina:
Rare Columna. Anthony Uy, at Kaye Eliseo ng "R.A.K. Star"
Renz Fernando, Lovely Restituto, at Jeffrey dela Torre ng "Kamp Kolab"
Julia Serad, Mariane Osabel, at Vilmark Viray ng "A.W.I.T. "
Ralph Padierno, Fame Gomez, at Mauie Francisco ng "Ang Hugot Trio"
Sinu-sino ang malalaglag at sinu-sino ang papaboran ng The Clash panel na binubuo nina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha?
Abangan 'yan this weekend, November 20 and 21, sa GMA kasama ang Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, at Journey Hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela.