What's on TV

Fame Gomez at Mauie Francisco, pasok sa top 10 ng 'The Clash 2021'

By Jansen Ramos
Published November 22, 2021 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EU drops 2035 combustion engine ban as global EV shift faces reset
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Fame Gomez at Mauie Francisco


Natapos na ang 'The Clash' journey ni Ralph Padiernos matapos paboran ng panel ang mga kagrupo niya na sina Fame Gomez at Mauie Francisco sa 'Matira Ang Matibay.'

Unang nagpakitang gilas ang grupong HUGOTRIO sa round four na pinamagatang "Three Versus Three" ng The Clash 2021.

Ang HUGOTRIO ay binubuo nina Fame Gomez, Ralph Padiernos, at Mauie Francisco. Inawit nila ang medley ng Rico J. Puno classic na "Magkasuyo Buong Gabi" at "Ikaw Lamang" na duet nina Janno Gibbs at Jaya sa nasabing round.

Na-impress si judge Aiai Delas Alas sa blending ng tatlo matapos marinig ang kanilang performance.

Ika ng Comedy Concert Queen, "Ngayon ko lang na-realize na ang duet song pala na pwedeng maging trio kagaya ng 'Magkasuyo Buong Gabi' at maganda siya.

"Ang dami niyang blending, blending, blending, blending to the max. Napakaganda ng medley n'yo."

Nagandahan din si Lani Misalucha sa performance nina Fame, Ralph, at Mauie. Gayunpaman, naghahanap pa ng X factor ang hurado.

Komento ng Asia's Nightingale sa performance ng HUGOTRIO, "'Yung performance n'yo ay maganda na pero ito lang: gusto ko kasi kapag meron akong pinapanood na nagpe-perform gusto ko 'yung talagang napapakapit ako sa silya dahil excited na excited ako.

"Hindi ko masabi kung ano pa ang pwede n'yong gawin to make more exciting and more powerful for some reason, meron akong hinahanap."

Sang-ayon naman si judge Christian Bautista sa kapwa hurado na si Lani.

Ani ng Asia's Romantic Balladeer, "The chemistry is there but I would like to agree with Ms. Lani na hindi pa s'ya gano'n kabuo as we want. It's okay."

Nagbigay pa ng paalala si Christian tungkol sa pagpe-perform as a group.

Patuloy niya, "And I just to remind you, tulad ng sinabi namin in the last few episodes, when you graduate from The Clash you will always sing with a group most of the time especially in All-Out Sundays so working with the group is really, really important."

Paglilinaw ni Christian, walang problema sa personal tones nina Fame, Ralph, at Mauie.

Ang pinupunto niya ay kung paano pa nila mabe-blend ang kanilang boses bilang grupo.

Sabi ng The Clash judge, "Ang mahirap lang sa group you have to hear yourself. You have to hear the other singer and the other singer and, as a group, it's very, very hard so para sa next na groups ah, yes, we will judge you individually if you know how to work well with the group also."

Nakalaban ng HUGOTRIO sa round three ang grupo nina Renz Fernando, Lovely Restiuto, at Jeffrey Dela Torre na kung tawagin ay Kamp Kolab.

Matapos ang performance ng dalawang grupo, pinaboran ng The Clash panel ang Kamp Kolab kaya naman kinakailangang maglaban-laban nina Fame, Ralph, at Mauie sa "Matira Ang Matibay" para malaman kung sino sa kanilang tatlo ang magpapatuloy sa kompetisyon.

Sa huli, na-eliminate si Ralph, at nakapasok sa top ten sina Fame at Mauie.

Ang The Clash 2021 ay pinangungunahan ng Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, kasama ang Journey Hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Ilan lamang sa mga produkto ng Kapuso singing competition sina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, at Jessica Villarubin na tinanghal na grand champions.

Mapapanood ang The Clash tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:40 p.m. sa GMA.

May livestreaming ang programa sa official Facebook, YouTube, at TikTok pages nito.

Para sa highlight clips ng The Clash, bisitahin ang show page ng original GMA musical competition sa GMANetwork.com.