GMA Logo mariane osabel
What's on TV

Mariane Osabel, itinuturing na destiny ang pagkapanalo sa 'The Clash 2021'

By Jansen Ramos
Published December 24, 2021 2:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

mariane osabel


"Natalo ka man ng major, major, huwag susuko agad kasi darating 'yung time na nilaan sa 'yo ni Lord," bahagi ng 'The Clash 2021' winner na si Mariane Osabel.

Perfect timing na maituturing ni Mariane Osabel ang pagkapanalo niya sa The Clash 2021.

Ayon sa 23-year-old Lanao Del Norte native, marami na siyang napanalong singing contest mapa-local o international, pero may ilan din ditong hindi siya pinalad manalo na dahilan kung bakit naisipan niyang tumigil na sa pagsali sa mga kompetisyon.

"Marami na po akong experience na natalo. Kumbaga, naging traumatic 'yun para sa akin. Parang naging hadlang 'yon na sumali ako ulit ng contest lao na sa TV competition.

"Naniniwala po ako sa kasabihan na kung talagang para sa 'yo, para sa 'yo.

"Ang gusto ko maalala sa 'kin ng mga tao na lalo na sa mga kagaya ko na singer, sa mga nagsisimula pa lang, sa lahat ng artists, actually, na kung nadapa ka man and kung natalo ka man ng major, major, huwag susuko agad kasi darating 'yung time na nilaan sa 'yo ni Lord," bahagi ni Mariane sa panayam ng GMANetwork.com.

Naging guiding principle daw ni Mariane ang komento sa kanya ni Asia's Nightingale Lani Misalucha noong pinerform niya ang "I Am Changing" ni Jennifer Holliday sa round five ng The Clash na "Isa Laban Sa Lahat."

Dito ay inihalintulad ng batikang mang-aawit si Mariane sa isang matibay na pader na hindi madaling mabuwag.

Ani Mariane, "I have put an effort into building and strengthening that wall. And lahat ng experiences, all the sacrifices, all the hurt, all the love into building that wall and I'm still in the process of building that wall para makabuo ako ng isang malaking castle."

Si Mariane ang ikaapat na The Clash grand champion matapos sina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, at Jessica Villarubin.

Kilalanin ang bagong kampeon ng The Clash dito: