GMA Logo the clash 2023
What's on TV

'The Clash 2023' trends on its pilot episode

By Jansen Ramos
Published January 23, 2023 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala humbled, grateful to represent PH after winning SEA Games gold
Remains of rebel killed in 2021 retrieved in MisOr
Dennis Trillo sa kanyang pagkapanalo sa AAA 2025: 'Hanggang ngayon nanginginig kamay ko'

Article Inside Page


Showbiz News

the clash 2023


Hot topic sa Twitter ang pilot episode ng 'The Clash 2023' na napanood noong Linggo, January 22.

Pinag-usapan online ang premiere ng The Clash 2023 noong Linggo, January 22.

Hot topic ang pilot episode nito sa Twitter na may official hashtag na #TheClashUnangSalpukan at nag-trend pa sa social networking service.

Napanood sa premiere ng The Clash 2023 ang pagbabalik ng past winners ng GMA musical competition na sina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, at Mariane Osabel.

Naghandog sila ng showstopping opening number kasama ang Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver, judges na sina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misaluicha, at Top 30 Clashers ng The Clash 2023.

Sa pagbubukas ng bagong season ng The Clash, nagsimula na rin ang laban.

Sa first round, nagharap sina Allain Gatdula at Liana Castillo; Lara Bernardo at Keith Guzman; Jef Nesco at Mark Avila.

Sa huli, itinanghal na panalo sina Liana, Lara, at Mark na unang batch na makakatungtong sa next round.

Mapapanood ang The Clash 2023 tuwing Linggo, 7:50 p.m. bago ang KMJS sa GMA 7.

Mayroon din itong livestream sa YouTube channel at Facebook page of The Clash at sa Facebook page of GMA Network.

Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash at sa official social media pages ng programa.

NARITO ANG TOP 30 CLASHERS NA MAGLALABAN-LABAN SA THE CLASH 2023: