
"Manood kayo ng YouTube."
Iyan ang simpleng banat ni Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas sa mga kumukwestyon kung bakit naging hurado siya sa singing competition na The Clash.
Siya mismo ang nag-open ng isyung ito sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, February 10.
Buwelta ni Aiai sa kanyang bashers, ilang beses na siyang naging judge sa talent show sa kabilang istasyon, gayundin sa The Clash na nasa ikalimang season na ngayon.
Manood na lang daw ng mga episode ng kanyang past shows sa YouTube kung saan isa siya sa mga hurado para malaman kung bakit ibinigay sa kanya ang posisyong ito.
Una nang binigyang pansin ni Aiai ang paksa na ito sa kanyang Instagram account noong January 28, kung saan pinatulan niya ang nagsabi na dapat legit singer lang ang may karapatang maging judge ng The Clash.
Pareho lang isinagot niya rito sa interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda, na manood na lang ng mga kinabilangan niyang reality talent competitions.
Hindi na pinahaba ni Aiai ang kanyang eksplanasyon para hayaan na lang niyang humusga ang kanyang mga kritiko.
Ayon pa kay Aiai, hindi naman siya ire-renew maging judge nang ilang beses ng management ng mga programa kung hindi siya effective sumuri sa mga kalahok. Sabi pa niya sa isa niyang hashtag, "late ka na nagtanong season 5 na."
Marami nang naging experience si Aiai sa pagpeperform sa loob ng mahigit 30 years niya sa entertainment industry.
Hindi man niya bentahe ang pagkanta, nakasama naman niya sa stage ang mga bigating mang-aawit sa bansa gaya nina Concert King and Queen Martin Nievera at Pops Fernandez.
Dito nagsimula ang pagbansag sa kanya bilang Comedy Concert Queen dahil sa kanyang comedic talent sa tuwing nagpe-perform siya sa concert bilang komedyante.
Samantala, kinilala rin si Aiai bilang Box Office Queen dahil sa kanyang pagganap bilang Ina Montecillo sa 2003 blockbuster film na Ang Tanging Ina.
Matapos magtrabaho sa ABS-CBN bilang talent sa loob ng 14 years, bumalik si Aiai GMA kung saan una siyang napanood via late-night musical variety show RSVP.
NARITO ANG CAREER HIGHLIGHTS NI AIAI DELAS ALAS BILANG KAPUSO: