GMA Logo Sid Lucero Beauty Gonzalez and Ariel Rivera
What's on TV

LOOK: Ariel Rivera, Beauty Gonzalez, and Sid Lucero begin taping for upcoming series 'The Fake Life'

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 17, 2022 5:56 PM PHT
Updated May 20, 2022 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 5, 2025
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year
Yacht catches fire; damage hits P900,000

Article Inside Page


Showbiz News

Sid Lucero Beauty Gonzalez and Ariel Rivera


Excited na ba kayo sa pagbabalik ni Ariel Rivera sa GMA?

Nagsimula na ang lock-in taping ng upcoming GMA Afternoon Prime series na The Fake Life na pinagbibidahan nina Ariel Rivera, Beauty Gonzalez, at Sid Lucero.

Bukod kina Ariel, Beauty, at Sid, nasa lock-in taping na rin sina Will Ashley, Shanelle Agustin, Carlos Dala, Tetchie Agbayani, Faye Lorenzo, at Jenny Miller.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Umiikot ang kuwento ng The Fake Life sa buhay ni Onats (Ariel), isang loyal na asawa kay Cindy (Beauty) at mapagmahal na ama kina Jaycie (Shanelle) at Jonjon (Carlos).

Sa isip ni Onats ay narating na niya ang kanyang mga pangarap ngunit biglang mababaliktad ang kanyang mundo nang malaman niyang may isa siyang rare condition.

Ano kaya ang gagawin ni Onats kapag nalaman niya na ang kanyang buhay ay hindi sa kanya?

Panoorin ang pagbabalik ni Ariel sa GMA sa The Fake Life, malapit na sa GMA Afternoon Prime.