
Matapos ang ilang taon, muling gagawa ng teleserye ang batikang aktor na si Ariel Rivera at bibida sa upcoming GMA Afternoon Prime series na The Fake Life kung saan niya makakasama sina Beauty Gonzalez at Sid Lucero.
Sa interview ni Ariel kay Cata Tibayan sa 24 Oras, ikinuwento niya na noong pinakita pa lang sa kanya ang karakter ni Onats at ang istorya ng The Fake Life ay agad na nagandahan siya rito.
Aniya, "The core of the story is that man's love for his family, e. As an artist kasi, may hinahanap kang gawin, when this came about, I think I want to do this.
"I really love the challenge."
Kakaiba rin ang karakter na gagampanan ni Beauty dahil hindi niya alam kung mamahalin o kaiinisan ito ng mga manonood.
Paliwanag niya, "It's gonna be a love and hate relationship. Panibago sa akin since lahat ng mga ginagampanan kong roles before, laging mababait. Now naman, first time akong medyo magagalit sila sa akin."
Kontrabida naman ang gagampanan ni Sid na si Mark pero pakiusap niya ay intindihin sana ng viewers kung saan nanggagaling ang kanyang karakter dahil maraming ganito sa totoong buhay.
Aniya, "He's not a very easy character to like but at the same time, this character represents a lot of people in our country that are going through the same thing.
"He is very narcissistic, and he's the type of narcissist na 'pag in-explain mo na sa kanya kung bakit mali 'yung ginagawa niya, hindi niya mage-gets 'yun."
Mapapanood ang The Fake Life, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, kilalanin pa ang mga makakasama nina Ariel, Beauty at Sid sa gallery na ito: