What's on TV

Beauty Gonzales, aminadong katulad ni Cindy sa 'The Fake Life'

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 2, 2022 5:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

beauty gonzales on the fake life


Ano kaya ang pagkakapareha ni Beauty sa karakter niyang si Cindy sa 'The Fake Life?'

Aminado si Beauty Gonzalez na mayroon silang pagkakapareho ng kanyang karakter sa upcoming GMA Afternoon Prime series na The Fake Life.

Sa isang online exclusive video, sinabi ni Beauty na pareho sila ni Cindy na hindi marunong magdesisyon para sa kanilang sarili.

Aniya, "Basically, 'yung pagiging indecisive niya, 'yung hindi marunong magdesisyon sa sarili, parating alangin minsan."

"Cindy as mom, siyempre super relate. I love my daughter Olivia just the way Cindy loves her kids. Talagang lahat gagawin n'ya para lang mabigyan n'ya ng magandang future 'yung mga anak n'ya."

Sa The Fake Life, mayroong dalawang anak si Cindy at ang asawa niyang si Onats (Ariel Rivera), ito ay sina Jaycie (Shanelle Agustin) at Jonjon (Carlos Dala).

Dagdag ni Beauty, "Sometimes, when you do things like that, na nakakarelate din ako kasi as a working mom, may mga pangarap din akong gusto kong abutin na ang hirap lang ngayon dahil sa sitwasyon natin na may pandemya, hindi ko lagi makasama 'yung anak ko.

"Kasi 'yun 'yung gusto ko, may gusto rin akong maabot sa buhay ko, which is pareho din kay Cindy na may mga bagay siyang gustong abutin na minsan hindi niya namamalayan na hindi niya nabibigyan ng importansya 'yung anak niya.

"But at the same time, siyempre, mahal na mahal ni Cindy 'yung anak niya, just like me."

Panoorin si Beauty bilang Cindy sa The Fake Life, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, kilalanin ang iba pang makakasama ni Beauty sa teleseryeng 'yan sa gallery na ito: