GMA Logo The Frog Prince
What's on TV

The Frog Prince: Ang mahinahong pakikiusap, nauwi sa isang iskandalo!

By EJ Chua
Published December 15, 2021 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

The Frog Prince


Mahinahon sanang makikiusap sina Pat at Mr. Dao kay Alvin, ngunit bakit nauwi ito sa isang iskandalo? Alamin sa 'The Frog Prince.'

Sa unang mga tagpo sa The Frog Prince, hindi naging maayos ang pagkikita nina Pat at Alvin.

Una pa lamang kasi ay iba na ang pakikitungo nila sa isa't isa. Bukod sa nayayabangan si Pat dito, si Alvin naman ay naiirita sa mga ikinikilos ni Pat.

Dahil dito, nagresulta ito ng gulo at hindi pagkakaintindihan.

Ngunit ilang araw lamang ang lumipas, nagdesisyon sina Pat at Mr. Dao na pumunta sa opisina ni Alvin para makiusap tungkol sa problema nila sa kanilang resort business.

Maayos na nagtungo ang dalawa sa building kung nasaan si Alvin.

Ginawa man nila ang lahat ng pakiusap at sinabi ang kanilang mga kahilingan sa mga empleyado roon, hindi pa rin lumabas si Alvin sa kanyang opisina.

Dahil sa kagustuhang mapansin ang kanilang mga hinaing, nagkunwari si Pat na sumasakit ang kanyang tiyan upang makalusot si Mr. Dao.

Matapos nito, nakatakas si Mr. Dao sa mga bantay at doon na nagsimulang magkagulo sa loob ng building.

Effective kaya ang ginawa nila Pat para kausapin na sila ni Alvin?

Ano kaya ang makakapagpabago sa isip at pakikipagtransaksyon ni Alvin sa mga taga Chuen Chiva?

Huwag palampasin ang mga susunod na eksena sa The Frog Prince, Lunes hanggang Biyernes, 2:45 p.m. sa GTV.

Panoorin ang The Frog Prince at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Samantala, kilalanin ang iba pang Thai actors na napanood na sa Heart of Asia sa gallery na ito: