What's on TV

'The Gift' ni Alden Richards, trending ilang oras bago ang world premiere

By Marah Ruiz
Published September 16, 2019 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Huwag palampasin ang world premiere ng The Gift, September 16, pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

Lubos ang excitement ng mga netizens para sa upcoming GMA Telebabad series ni Asia's Multimedia Star Alden Richards na The Gift.

Sa katunayan, trending topic ito sa Twitter Philippines, ilang oras bago ang premiere nito ngayong September 16.

Sabik na sa pababalik ni Alden sa primetime. Bukod dito, excited na rin silang makilala ang kanyang karakter na si Sep.

Sa The Gift, gaganap si Alden bilang si Sep, isang Divisoria vendor na mabibigyan ng kakayanan makita ang nakaraan at hinaharap matapos niyang mabulag.

Dahil dito, magsisilbi siyang pag-asa ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pero kaakibat noon, may mga tao din na nais siyang gamitin para sa sarili nilang ambisyon.

Huwag palampasin ang world premiere ng The Gift, September 16, pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

The Gift | Official trailer

The Gift: Kilalanin si Sep | Teaser