
Opening pa lang, maaksiyon na ang pinakabagong GMA Telebabad series na The Gift.
Nagbukas ang kuwento nito sa isang riot sa Divisoria kung saan sasagipin ng bidang si Sep (Alden Richards) ang kanyang nanay Strawberry (Jo Berry). Ayaw kasing iwan ni Strawberry ang kariton na custom-made ni Sep para sa kanya.
Isang netizen ang pumansin sa kakaibang disenyo ng kariton.
Pero eto walng biro ah, gustong gusto ko yung kariton ni Strawberry, haha may upuan na, may instant stairs pa. WOOH LOVE IT !!!
-- 🐒🐢🦁💫⚡️🌊嵐 𝖕𝖆𝖚𝖑 (@paullim0314) September 18, 2019
ang galing ng set designer, props, set director ninyo direct @akosi_LA !!!#TheGiftPagkupkop
Ipinaliwanag naman ng direktor nitong si LA Madridejos ang kahalagahan ng kariton sa serye.
Yey may nakapansin ng Kariton. Yung kariton symbolizes yung love ni Sep kay Straw. habang tumatagal, binubuo ni sep yung kariton based sa pangangailangan at kakayahan ni Straw. Kaya ganun nalang proteksyonan ni Straw yung kariton sa opening. #TheGiftPagkupkop https://t.co/kD5jyLinNd
-- la madridejos (@akosi_LA) September 18, 2019
Balikan ang simula ng kwento ni Sep sa The Gift.
Patuloy na panoorin ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.