
Emosyonal ang mga eksena ngayong linggo sa inspiring GMA Telebabad series na The Gift.
Nasa ospital kasi si Sep (Alden Richards) matapos mabaril sa isang riot sa Divisoria.
Habang nakaratay si Sep sa ospital, minarapat ng kanyang kababatang si Amor (Mikee Quintos) na magtapat ng tunay niyang nararamdaman para sa kababata.
Ayon sa direktor ng The Gift na si LA Madridejos, si Mikee mismo ang nagsulat ng mensahe ni Amor para kay Sep.
“Pinili kong gamitin ung sinulat nya kasi ramdam na ramdam ko si Amor doon,” sabi ni Direk LA.
Trivia. Astig yung mga writers ng show. Mahusay! Pero dun sa eksena ni Amor kagabi, si Mikee ang nagsulat nung message ni Amor kay Sep. Pinili kong gamitin ung sinulat nya kasi ramdam na ramdam ko si Amor doon. #TheGiftPagAsa pic.twitter.com/gbJWy1ZFdx
-- la madridejos (@akosi_LA) October 2, 2019
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng aktres sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng kanilang direktor.
Team effort!! Salamat sa tiwala, direk 🙈 LABYU!! @akosi_LA https://t.co/lmrIRROJId
-- Mikee Quintos (@mikeequintos) October 2, 2019
Panoorin ang emosyonal na eksenang ito mula sa October 1 episode ng The Gift.
Patuloy na panoorin ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.
READ: Netizens, sumabay sa iyakan ng pamilya ni Sep sa 'The Gift'
Direk LA Madridejos, nais iparating ang mensahe ng bayanihan sa 'The Gift'