
Huling huli ang co-stars na sina Alden Richards at Sophie Albert bilang tirador ng mga props sa set ng inspiring GMA Telebabad series ng The Gift.
Habang nag-iintay ng kanilang take, hindi napigilan ng dalawa na papakin ang mga pagkain na nakahain bilang bahagi ng kanilang eksena.
Nakarami si Alden sa pag-sample ng kutsinta, hotdog at barbecue habang fish ball naman ang kinain ni Sophie.
Panoorin ang kanilang "food trip" sa eksklusibong video na ito mula sa set the The Gift.
Samantala, patuloy na tumutok sa The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.
WATCH: Cast ng 'The Gift,' love life ang hiling para sa isa't isa
WATCH: Alden Richards, may "audition" habang ginagawa ang 'The Gift'