IN PHOTOS: Cast ng 'The Lost Recipe,' sumailalim sa isang kitchen training

Nitong October 25 at 26, nagsama sama ang cast ng 'The Lost Recipe' para maghanda sa kanilang nalalapit na taping.
Ang cast ay sumabak sa isang kitchen workshop para magampanan nila ang kani-kanilang mga roles sa 'The Lost Recipe.' Ang mga artistang sumailalim sa training ay sina Kelvin Miranda, Mikee Quintos, Thea Tolentino, Paul Salas, Phytos Ramirez, Prince Clemente, Faye Lorenzo, at Crystal Paras. Ang cast ay nagsanay sa tulong ni Chef Anton Amoncio na isa rin sa mga cast at consultant ng 'The Lost Recipe.'
Sa two-day kitchen workshop ay pinag-aralan ng cast ang iba't ibang kitchen terminologies, safety and sanitation, pati na rin ang kitchen etiquette. Nag-aral rin sila ng knife skills at sumailalim sa cooking demo.
Silipin ang naganap na training para sa 'The Lost Recipe.'















