
Ang direktor ng The Lost Recipe na si Direk Monti Parungao ay nagbahagi ng mga napansing strengths nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda bilang mga aktor at bilang isang love team.
Ikinuwento ito ni Direk Monti sa miyembro ng press sa ginanap na media conference nitong January 12.
Una niyang hinangaan ang GMA Public Affairs sa pagbuo ng bagong tambalan.
"Nakakatuwa na ang [GMA] Public Affairs ay nagawa ng tandem na bago."
Photo source: @montified
Sunod niyang ibinahagi ang mga napansin niya kay Kelvin. Si Kelvin ang gaganap na Chef Harvey Napoleon sa The Lost Recipe.
Ayon kay Direk Monti, binigyang buhay ni Kelvin si Chef Harvey.
"When you watch his material, yung portrayal ni Kelvin sa character niya, maniniwala ka na siya si Harvey.
Hanga naman si Direk Monti sa husay ni Mikee sa pag-arte.
"Si Mikee naman because of her craftsmanship, napanood ko na siya nang matagal sa Encantadia tapos napanood ko rin siya sa [huling teleserye] nila ni Alden (The Gift). Iba 'yung atake niya sa mga 'yun.
Dugtong pa ni Direk, kitang-kita umano ang pagiging seryoso ni Mikee sa pag-aartista.
"'Yung workshop namin sabi ko ay ang batang ito ang seryoso sa craft niya. Inaral niya talaga si Apple.
"Araw-araw tuwing magsu-shoot kami at magkukuwento, nakikita ko si Apple, hindi si Mikee."
Ayon pa kay Direk ang strength nina Kelvin at Mikee bilang isang love team ay ang pagiging bukas nila sa isa't isa at ang pagbibigay buhay kina Chef Harvey at Chef Apple.
"The strength of the two is binuhay nila si Apple at si Harvey sa katawan nila. Ang strength din is that they opened themselves up para sa isa't isa."
Abangan ang exciting na pagsisimula ng The Lost Recipe sa January 18, 8:00 p.m. sa GMA News TV.
Balikan ang naging workshop nina Mikee at Kelvin kasama sina Paul Salas at Thea Tolentino sa gallery na ito: