GMA Logo Paul Salas in The Lost Recipe
What's on TV

'The Lost Recipe' actor Paul Salas, inaming mas nakaka-stress ang love life kaysa trabaho

By Maine Aquino
Published January 16, 2021 4:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Paul Salas in The Lost Recipe


Alamin kung bakit mas nakakaramdan ng stress si Paul Salas pagdating sa love life kaysa trabaho, DITO:

Inamin ni Paul Salas na nananatili pa rin siyang single ngayong simula ng 2021.

Ito ang ikinuwento ng aktor sa ginanap na media conference nitong January 12 para sa kanyang bagong project na The Lost Recipe. Si Paul ay gaganap bilang Frank Vergara; ang magiging ka-love triangle nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa bagong romance-fantasy series ng GMA Public Affairs.

Kelvin Miranda Mikee Quintos Paul Salas

Photo source: The Lost Recipe

“Wala pong lovelife," pag-amin ng binata.

Ayon pa kay Paul, mas nakaka-stress pa umano kapag inuna ang love life kaysa trabaho.

“Ang nakaka-stress po sa akin, love life talaga. Sa trabaho maha-handle pa.”

Inamin rin ni Paul na pinili niya munang maging single para maka-focus siya sa kanyang projects at i-improve ang kanyang talent sa pag-arte.

“Mas okey lang po muna na chill chill lang muna para mas nakakapag-focus sa trabaho at pag-improve ng acting ko.”

Isa pang ibinahagi ni Paul sa media conference ay ang kanyang pagiging emotional eater kapag nakakaramdam siya ng stress, bagay na iniiwasan ng aktor lalo na't kailangan n'yang mamaintain ang kanyang fit na pangangatawan.

Ayon sa aktor, kapag pagod siya mas gusto niyang makasalo sa hapag kainan ang kanyang pamilya.

“Kapag nasi-stress ako or depressed, sa kain din po ako. Dati hindi rin naman po ako nagluluto.

“Mas gusto ko po yun kapag marami kaming kumakain. 'Yung kasama pamilya ko.”

Kung siya ang papipiliin mas gusto niyang sa bahay lang at makasalo ang pamilya. Ito ay dahil natutuwa siya kapag nakikita at nakakasama niya ang kanyang mga mahal sa buhay.

“Kunyari pagod ako sa trabaho, mas gusto ko 'yung hindi kami kumakain sa labas. Gusto ko 'yung magluluto 'yung mommy ko or lola ko. Makita ko lang na nagluluto silang ganon para sa amin ng mga kapatid ko, happy na ako.”

Abangan ang pagganap ni Paul bilang Frank sa The Lost Recipe simula ngayong January 18, 8:00 p.m. sa GMA News TV.

Related content:

Iba't ibang mga personalidad, humanga sa full trailer ng 'The Lost Recipe'

Full trailer ng 'The Lost Recipe,' umani ng papuri mula sa netizens