GMA Logo Mikee Quintos in The Lost Recipe
What's on TV

'The Lost Recipe' star Mikee Quintos, inaming may epekto ang pandemya sa kanyang pag-arte

By Maine Aquino
Published January 19, 2021 10:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos in The Lost Recipe


Ikinuwento ni Mikee Quintos ang kanyang naging adjustments sa pag-arte para sa 'The Lost Recipe.'

Ibinahagi ni Mikee Quintos na may epekto sa kanyang pag-arte ang COVID-19 pandemic.

Kuwento ni Mikee sa media conference ng The Lost Recipe, nahirapan siyang bumalik sa pag-arte nang mag-taping sila para sa kanilang bagong proyekto. Si Mikee ay gaganap bilang Chef Apple Valencia sa bagong romance-fantasy series ng GMA Public Affairs.

Mikee Quintos
Photo source: The Lost Recipe

Pag-amin ni Mikee, “Ako po nagkaroon ng sarili kong struggle na magbukas ulit.”

Ayon kay Mikee, kinausap niya pa ang kanyang mentor na si Ana Feleo para humingi ng tulong sa pag-arte bilang Chef Apple.

“Nakausap ko 'yung acting mentor ko, si Ate Ana Feleo, sabi ko parang hirap ako magbukas. Bakit? Hindi naman ako ganito. Before the pandemic, ang dali lang ng mga ganito sa akin. Bakit ako nahihirapan ngayon?”

Sa kanilang pag-uusap ay napag-alaman umano ni Mikee na nahihirapan siya dahil ito ang naging epekto sa kanya ng pandemya.

Saad ni Mikee, “Na-realize ko epekto rin 'yun ng pandemya na for so many months naging survival mode tayong lahat. Kailangan hindi ako puwedeng ma-stress, hindi ako puwedeng mag-panic. We have to deal with what's going on in a smart way. Medyo matagal akong nag-stay doon.”

Inamin ni Mikee na kinailangan niya munang kilalanin ang kanyang sarili para magampanan ang kanyang role sa The Lost Recipe.

Ikinuwento niya rin na ang kanilang ginawang workshop sa The Lost Recipe ay may naitulong sa kanya para sa kanyang pagganap bilang Chef Apple.

“Para akong nag-back to zero for this project. As in kinilala ko ulit ang sarili ko. Parang minaximize ko 'yung workshops, ang laking tulong n'on.”

Ikinuwento rin ni Mikee na nakatulong sa kanya ang pagiging close sa kanyang mga katrabaho sa The Lost Recipe.

Ilan sa mga co-stars ni Mikee na nakasama sa first lock-in taping ay sina Kelvin Miranda at Paul Salas.

Sina Kelvin at Paul ay gaganap naman bilang sina Chef Harvey Napoleon at Frank Vergara. Silang dalawa ang magtatapat para sa puso ni Chef Apple sa serye.

Pag-amin ni Mikee, “Na-feel ko po 'yung slowly by the middle, one week in the first lock-in, nararamdaman kong bumababa na 'yung walls ko sa kanila. Lalo na nagiging close kami. Na-enjoy ko naman po. But there was a struggle.”

Abangan ang exciting at nakakakilig na pilot episode ng The Lost Recipe mamayang gabi, 8:00 p.m. sa GMA News TV.

Related content:

Mikee Quintos, nagdasal para magkaroon ng proyektong tulad ng 'The Lost Recipe'

'The Lost Recipe' full trailer earns 1M views on Facebook