
Ang fantasy-romance series ng GMA Public Affairs ng The Lost Recipe ang highest rating program para sa GMA News TV ngayong 2021.
Bukod dito, lagi pang nasa top trending topics ng Twitter Philippines ang mga official hashtag ng unang linggo ng serye.
Dahil sa tagumpay na ito, lubos ang pasasalamat ng mga bida nitong sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos.
"Nararamdaman namin 'yung suporta ng mga tagahanga ng 'The Lost Recipe,'" pahayag ni Kelvin na gumaganap sa serye bilang si Chef Harvey Napoleon.
"Gusto naming mag-thank you. Sana huwag kayong mapagod sumuporta dahil sobrang dami pang mangyayari sa 'The Lost Recipe,'" sang-ayon naman ni Mikee na gumaganap bilang Apple Valencia.
Sa serye, magta-time travel si Harvey sa nakaraan at ipupuslit ang secret recipe ng adobo ng tanyag na chef na si Conchita Valencia.
Pagbalik niya sa present time, makikila niya si Apple, na apo ni Conchita.
Umaasa din si Mikee na maraming makuhang aral at maging inspirasyon ang serye para sa mga manonood.
"Feeling ko makaka-pick up 'yung mga tao ng ideas dito. Parang 'uy pwede ko palang gawing inspiration.' Kahit tayo 'di ba nakakakuha," sambit niya.
Mas naging close na daw sina Mikee at Kelvin dahil sa mga eksena nila sa serye.
"Naging mas naging comfortable. Ako, na-feel ko naman 'yung change from the first lock-in (taping) to now. Mas kumportable na ko kay Kelvin ngayon," ani Mikee.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sa video sa itaas.
Kung hindi ito mapanood, pumunta lamang dito.
Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa lock-in taping ng The Lost Recipe sa gallery na ito: