
Nakaabot na sa 100k followers ang Facebook page ng romance fantasy series ng GMA Public Affairs na The Lost Recipe.
Sa page ng The Lost Recipe ay nag-post sila ng kanilang pasasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang programa at pati na rin sa kanilang social media platform.
"HAPPY 100,000 FOLLOWERS! 🥳
"Ang lakas talaga namin sa inyo! Maraming maraming salamat sa inyong tuloy-tuloy na suporta sa The Lost Recipe! Dahil diyan, sagot pa rin naman ang kilig at good vibes gabi-gabi! "
Sa Facebook page ng The Lost Recipe ay mas makakakuha ang fans ng iba't ibang exclusive content tungkol kina Kelvin Miranda, Mikee Quintos, at iba pang cast ng programa. Makikita rin dito ang memes, exclusive kilig pati na rin funny photos at TikTok videos ng tambalang #MiKel.
Photo source: The Lost Recipe
I-follow na ang Facebook page ng The Lost Recipe para makakuha ng mga updates para sa programa.
Tingnan naman ang kilig photos ng tambalang #MiKel sa gallery na ito.