GMA Logo Mikee Quintos
What's on TV

Mikee Quintos, natuwa sa theories ng fans sa 'The Lost Recipe'

By Maine Aquino
Published March 29, 2021 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Aminado si Mikee Quintos na natutuwa siya sa kaniyang mga nababasa na feedback at theories para sa 'The Lost Recipe'

Ibinahagi ni Mikee Quintos na siya ay nagbabasa ng theories ng mga fans tungkol sa kanilang fantasy romance series na The Lost Recipe.

Ayon sa aktres na gumaganap bilang Chef Apple, isa sa kaniyang mga hinangaan ay ang fans na nagsabing puwedeng isa-pelikula ang kuwento ng time agency ng serye.

Saad ni Mikee sa ginanap na media conference para sa finale ng The Lost Recipe, "I guess this is coming from the ideas that I have been reading sa fans. Ang dami nilang conspiracy theories sa kung ano ang mangyayari sa mga susunod na episode. Pero may nabasa akong isa na I found really interesting. Sinend ni Crystal (Paras) sa group namin 'to.

Dugtong ni Mikee, dahil ang time agency ay may kakayahang magbago ng mga pangyayari sa iba't ibang mga time lines, maraming puwedeng puntahan ang kuwento ng The Lost Recipe.

"Parang movie idea na 'yung time agency, since fantasy nga po kami at may mga nagta-time travel at nagbabago ang timelines. Ang daming puwedeng puntahan ng istorya doon pa lang from that side of the story or from that aspect we can do that kind of plot twist."

Kung may pagkakataon naman na magkaroon ng book 2 ang The Lost Recipe. Inamin ni Mikee na gugustuhin niya sana na mas marami pang happy at kilig moments sina Apple at Harvey (Kelvin Miranda).

Mikee Quintos and Kelvin Miranda in The Lost Recipe

Photo source: The Lost Recipe

Ayon kay Mikee, ito rin ay ang hinihingi ng kanilang mga loyal fans na nakatutok sa programa.

"For Apple siguro gusto ko ibigay sa mga fans na mas matagal naman 'yung happy moments nina Harvey at Apple. Kasi parang ang bilis din naudlot, and nagbago 'yung timeline tapos parang one week na lang. Sana ma-meet pa 'yung love story and 'yung happy moments nila together."

Subaybayan ang huling Linggo ng The Lost Recipe, 8:50 p.m. sa GTV.

Tingnan naman ang mga sweet na photos nina Mikee at Kelvin sa gallery na ito: