Article Inside Page
Showbiz News
Ayon kay Thea Tolentino, gusto niyang baunin ng mga manonood ang importanteng aral na ito base sa kuwento ng kaniyang karakter na si Chef Ginger.
"Ano ang success kung hindi ka happy?"
Ito ang aral na natutunan ni Thea Tolentino sa kaniyang pagganap bilang Chef Ginger sa tinututukan na fantasy romance series na The Lost Recipe.
Si Chef Ginger ay ang talented na chef na naging mahigpit na kalaban ni Chef Harvey (Kelvin Miranda) pagdating sa culinary world sa serye.
Napanood din sa The Lost Recipe ang mga personal na pinagdaanan ni Ginger para maging isang sikat na chef at para mapasaya ang kaniyang ina para sa kanilang family business.
Photo source: The Lost Recipe
Kuwento ni Thea sa press sa ginanap na media interview ng
The Lost Recipe, importante ang pagbibigay pansin sa mga bagay na magpapasaya sa isang tao. Ito ay isa sa mga ninanais ni Thea na baunin sa kuwento ni Ginger.
"Kailangan, kung gusto mo talaga mahanap ang totoong success, kailangan tanungin mo sa sarili mo kung happy ka sa ginagawa mo."
Dugtong pa ni Thea, kung hindi masaya ang isang tao sa kaniyang ginagawa, baka nag-i-invest lamang ito sa maling goals o gumagawa lamang ng mga bagay para mapasaya ang ibang tao.
"Kasi if you're not happy, you may be doing something wrong. Maybe you're investing in something that is wrong and talagang masasayang lang ang oras mo kasi if hindi ka happy maybe you're just pleasing other people."
Saad ni Thea, sana ay matutunan ng mga fans ng programa sa kaniyang pagganap bilang Ginger ay ang pag-focus sa mga bagay na magpapasaya sa isang tao.
"Dapat sarili mo naman ang unahin mo, and choose to be happy."
Abangan ang exciting na huling Linggo ng
The Lost Recipe, 8:50 p.m. sa GTV.
Tingnan ang mga must-visit taping locations ng
The Lost Recipe sa gallery na ito: