
Nito lamang Lunes, August 28, nagsimula nang ipalabas sa telebisyon at online ang bagong seryeng handog ng GMA Network para sa mga manonood hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba pang mga bansa.
Ito ang action suspense drama series na The Missing Husband, ang bagong proyektong mainit na tinanggap ng viewers at netizens.
Ang seryeng ito ay pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Jak Roberto, Sophie Albert, Joross Gamboa, at Rocco Nacino.
Matapos ang ilang panahong paghihintay, napanood na ang ilang mga unang eksena ng mga karakter sa serye.
Tulad na lamang ng karakter ni Yasmien na si Millie at ang karakter naman ni Rocco na si Anton.
Ipinakita sa unang episode ang buhay nina Anton at Millie bilang mga OFW sa Qatar.
Ipinakilala na rin ang pamilya ni Anton na naninirahan sa Pilipinas.
Ang mga naging kaganapan sa pilot episode ng serye ay pinag-uusapan pa rin ngayon sa social media.
Ang istorya ng The Missing Husband ay patuloy na iikot sa relasyon nina Anton at Millie, at kung sinu-sino ang susuporta at tatalikod sa kanila sa mahihirap na sitwasyong kanilang pagdadaanan.
Narito ang ilang reaksyon at komento ng netizens sa bagong GMA series:
Kung hindi mo napanood ang pilot episode maaari itong panoorin sa video sa ibaba:
Patuloy na subaybayan ang The Missing Husband, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.