
Patuloy na bumubuhos ang mainit na pagsuporta ng mga manonood sa action-suspense drama series na The Missing Husband.
Kabilang sa napapanood sa naturang GMA afternoon series ay ang StarStruck alumna at award-winning actress na si Yasmien Kurdi.
Ginagampanan niya rito ang karakter ni Millie Rosales, ang asawa ni Anton Rosales na role naman ni Rocco Nacino sa serye.
Nito lamang Biyernes, September 15, masayang ipinasilip ni Yasmien sa kanyang Facebook at Instagram followers ang ilang mga ginagawa niya kapag break time nila sa set ng The Missing Husband.
Kapansin-pansin ang makulit na side ni Yasmien sa clips na kanyang pinagsasama para maging isang Facebook reel.
Ang naturang post ay pinamagatan ng lead actress na “A day in my life as Millie Rosales.”
Bukod kina Yasmien at Rocco, kabilang din sa serye sina Jak Roberto, Sophie Albert, Joross Gamboa, Nadine Samonte, Shamaine Buencamino, Michael Flores, Maxine Eigenmann, Cai Cortez, Bryce Eusebio, Patricia Coma, at marami pang iba.
Samantala, silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Biyernes ng hapon sa video sa ibaba:
Huwag palampasin ang susunod na mga tagpo sa serye.
Patuloy na subaybayan ang kwento ng The Missing Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.