
Bukod sa intense scenes, usap-usapan din online ang ilang nakakakilig na scenes sa GMA's action suspense drama series na The Missing Husband.
Hindi napigilan ng viewers na kiligin sa ilang sweet na mga eksena nina Millie at Joed, ang mga karakter nina Yasmien Kurdi at Jak Roberto sa serye.
Habang ang husband ni Millie na si Anton (Rocco Nacino) ay missing pa rin, si Joed ang katuwang ngayon ng una sa buhay.
Si Joed na rin ang nagsisilbing tagapagtanggol ni Millie mula sa mga taong gustong gantihan ang huli dahil sa scam issue.
Patok sa viewers ang tambalang Yasmien at Jak bilang loveteam ngayon sa programa.
Sa Facebook, mababasa ang ilang komento at iba't ibang reaksyon ng netizens tungkol sa dalawang Kapuso stars.
Samantala, sa isang panayam, ibinahagi ni Yasmien na itinuturing niyang pamilya ang kaniyang co-stars sa The Missing Husband.
Patuloy na subaybayan ang paganda nang pagandang istorya ng The Missing Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye RITO.