GMA Logo Cai Cortez, Yasmien Kurdi, Rocco Nacino
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Cai Cortez, may rebelasyon tungkol sa kanyang co-stars

By EJ Chua
Published December 5, 2023 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Fountain candle' sparklers likely started Swiss bar fire, says prosecutor
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Cai Cortez, Yasmien Kurdi, Rocco Nacino


Ano kaya ang napansin ni Cai Cortez sa kanyang mga kasama sa GMA action suspense drama series na 'The Missing Husband'?

Patuloy na napapanood sa GMA ang action suspense drama series na The Missing Husband.

Isa sa mga tampok sa serye ay ang aktres na si Cai Cortez, na napapanood dito bilang si Glenn, ang kaibigan ng role ni Yasmien Kurdi na si Millie.

Sa isang exclusive interview, masayang ibinunyag ni Cai ang ilang napansin niya sa set at co-stars niya sa ongoing series.

Pagbabahagi niya, “Ang masasabi ko sa co-stars ko sa set ng The Missing Husband ay swak. Kasi po lahat kami ay baliw… Nasasakyan namin ang trip ng isa't isa.”

“Kapag pagod na kami, sabay-sabay magka-kape, baliw-baliwan, tapos ready na ulit sa susunod na eksena,” dagdag pa ng aktres.

Bago pa ito, ilang aktor na kabilang sa serye ang nagsabi na masaya silang mapabilang sa cast nito.

Sa isang online exclusive video, nagkabukingan din ang co-stars tungkol sa kani-kanilang mga ugali at nakasanayang gawin habang magkakasamang nagte-taping.

Huwag palampasin ang huling mga tagpo sa natitirang dalawang linggo ng The Missing Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: