
Taos-pusong nagpasalamat si Glaiza De Castro sa lahat ng tumutok sa world premiere ng pinagbibidahan niyang serye na The Seed of Love, kung saan kasama niya sina Mike Tan at Valerie Concepcion.
Sa Instagram, masayang nagbalik-tanaw si Glaiza sa mga eksenang kinunan pa nila sa Banaue bago magsimula ang pandemic.
"Maraming salamat sa pagtutok sa #TheSeedOfLoveWorldPremiere today! Super nostalgic nung mga scenes namin sa Banaue! Bukas ulit!" sulat ni Glaiza sa caption.
Sa pilot episode ng The Seed of Love, nagsimula sa hindi inaasahang pagkakataon ang pagkikita ng wedding planner at photographer na si Eileen (Glaiza) at ng architect na si Bobby (Mike).
Habang nasa bulubundukin ng Banaue, hindi inaasahan nina Eileen at Bobby na mapipilitan silang magpaanak sa gilid ng kalsada.
Ano na kaya ang mangyayari sa istorya nina Eileen at Bobby? Muli kaya silang pagtatagpuin ng tadhana?
Abangan 'yan sa The Seed of Love, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng AraBella. Mapapanood din ito sa digital channel na Pinoy Hits at naka-livestream din sa Kapuso Stream.