What's on TV

LOOK: Pangalawang linggo ng 'The Stepdaughters,' panalo sa ratings!

By Bea Rodriguez
Published February 28, 2018 7:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From DongYan to Carla Abellana, here are some 2026 celebrity predictions by a Feng Shui expert
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Silipin ang ratings ng 'The Stepdaughters' sa ikalawang linggo nito.

 

 

Wagi na naman sa ratings ang buong linggo ng The Stepdaughters. Talagang tinutukan ng ating mga Kapuso ang pangalawang linggo ng hit GMA Afternoon Prime soap.

Ayon sa Nielsen Television Audience Measurement, panalo ang The Stepdaughters at malaki ang agwat ng ratings laban sa show ng kabilang istasyon.

Noong huling linggo ay nagsimula na ang bangayan ng dalawang palaban na babae na ginagampanan nina Kapuso stars Megan Young at Katrina Halili.

Mas lalo pang paiinitin nina Mayumi Dela Rosa at Isabelle Salvador ang mga eksena sa pagsama-sama ng kanilang mga pamilya.

Abangan ang pagbabanggaan ng The Stepdaughters tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.