What's on TV

WATCH: Glydel Mercado, nabundol ng motor!

By Bea Rodriguez
Published April 25, 2018 6:51 PM PHT
Updated April 25, 2018 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino says holidays have been 'heartbreaking': 'Kakayanin ko pa ba?'
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Tila guguho ang mundo ni Glydel Mercado matapos mabundol ang kanyang karakter ng isang motor sa 'The Stepdaughters.'

 

Sa araw ng pag-iisang dibdib nina Hernan (Gary Estrada) at Luisa (Glydel Mercado), nabundol ng motor ang buntis na ina ni Mayumi (Megan Young).

Natupad ang planong pagpaslang nina Isabelle (Katrina Halili) at Daphne (Samantha Lopez) sa inosenteng anak na ipinagbubuntis ni Luisa.

Gumuho ang mundo ng soon-to-be Mrs. Salvador sa pagkawala ng kanyang baby na nag-uugnay sa kanila ni Hernan. Magiging isang pamilya pa ba ang mga Dela Rosa at Salvador?

Tunghayan ang hit GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters tuwing hapon pagkatapos ng Contessa.