GMA Logo Dingdong Dantes
What's on TV

Dingdong Dantes, magiging malapit din sa 'family stories' sa 'The Voice Generations'

By Jimboy Napoles
Published July 12, 2023 12:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Back to hosting si Dingdong Dantes para sa inaabangang 'The Voice Generations' sa GMA.

Bukod sa kanyang kabi-kabilang drama projects, balik-hosting din si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa first-ever The Voice Generations in Asia na malapit nang mapanood sa GMA Network.

Inamin naman ni Dingdong sa panayam niya sa GMANetwork.com na excited din siya sa The Voice Generations dahil sa kanyang anak na si Zia na fan daw ng nasabing singing competition.

Aniya, “Hindi ako makapaniwala so sabi ko, 'Okay, alright,' but more importantly mas naging ano ako e, sobrang excited dahil 'yung daughter ko kasi sobrang fan ng The Voice kaya sabi ko siya 'yung unang-una kong sasabihan, na magiging involved ako dito sa atin sa The Voice Generations.

“True enough nung nag-launch kami sa All-Out Sundays sabi ko, 'May surprise ako sa 'yo, 'yung isa sa mga paborito mong show darating, tapos nandon ako.' So hindi niya alam hanggang nung nakita niya 'yung launch kaya more excited [ako] to start on it right away.”

Ayon naman kay Dingdong, hindi nalalayo ang kanyang pagiging game master sa kanyang pagiging host ng The Voice Generations dahil magiging malapit din siya sa istorya ng pamilya ng mga talent.

Kuwento ni Dingdong, “Kapag nagiging game master ako halimbawa sa Family Feud, puro mga kuwento ng pamilya 'yung nakikita natin, 'yung hidwaan, 'yung feud ng bawat pamilyang nagpa-participate at lumalaban.

“Dito, kuwento rin ng mga pamilya and for me it is very interesting to always be involved in stories of families especially in the stories of our talents, 'yung mga talents na sasali sa atin dito sa The Voice Generations, kasi alam kong meron talagang interesting angle parati sa ating mga talents dito. Kaya 'yun ang gusto kong malaman at gusto kong ma-involve doon. Hindi naman sa gusto kong makigulo pero at least ako 'yung maaring magkuwento sa mga manonood natin or maybe ma-witness ko lang first hand 'yung beauty ng dynamics at chemistry ng relationships ng sasali sa atin dito.”

Samantala, aminado rin si Dingdong na talagang abala siya ngayon sa kaniyang trabaho pero hindi niya nakakalimutan na maglaan ng lakas at oras para sa kanyang pamilya.

“Siyempre lahat naman kailangan calculated e, hindi naman puwedeng sobra. Lahat ng sobra e hindi okay. Siyempre 42 na ako, hindi gaya nung mga 20s ko kahit walang pahinga, tuloy-tuloy. Ngayon naman meron naman. Ang mahalaga kasi basta pag-uwi mo may energy ka parati para sa 'yong pamilya kasi kung mawala 'yun, ibig sabihin there's something wrong, hindi na puwede 'yun,” ani Dingdong.

Makakasama naman ni Dingdong sa nasabing singing competition ang apat na superstar coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell Ajero, at Chito Miranda.

Ang The Voice Generations ay ang newest spin-off ng biggest singing competition sa mundo na The Voice mula sa ITV Studios. Mapapanood ito for the first time hindi lamang sa Pilipinas kung 'di pati na rin sa buong Asya via GMA Network.

Para sa iba pang showbiz and entertainment updates, bisitahin ang GMANetwork.com.