GMA Logo Coach Stell
Courtesy: Gerlyn Mae Mariano
What's on TV

Coach Stell, ibinahagi ang magiging strength ng kanyang team sa 'The Voice Generations'

By Jimboy Napoles
Published August 17, 2023 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Coach Stell


Isa si Stell sa apat na coaches ng first-ever The Voice Generations in Asia na mapapanood na ngayong Agosto sa GMA.

Ipinakilala na kamakailan ang apat na award-winning Filipino music artists na uupo bilang coaches sa first-ever The Voice Generations in Asia na mapapanood sa GMA.

Ito ay sina international singer, dancer, and host na si Billy Crawford, multi-awarded at best-selling recording artist na si Julie Anne San Jose, lead singer and choreographer of the world's well-loved P-pop boy group na SB19 na si Stell, at ang Filipino rockstar at lead singer ng bandang Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda.

Sa panayam ng GMANetwork.com, sinabi ni Stell na bagamat siya ang pinakabata sa kanilang apat na coaches, isang bagay ang magiging edge niya sa kanilang apat.

Aniya, “Ang pinaka-magiging strength ko dito is 'yung challenges and mga napagdaanan naming struggles as a team. Kumbaga nasabi ko nga kanina puwede kong ibahagi 'yon sa mga magiging talent na mapupunta sa team ko.

“Puwede ko silang maturuan ng mga nalalaman ko, puwede akong mag-share sa kanila ng mga bagay na tumulong sa akin para maging confident, not only in performing, pati na rin ang maging confident [at] i-present yung sarili ko sa mga tao sa paligid ko.”

Nagbigay rin ng payo si Stell sa mga talent na nais makasali at manalo sa The Voice Generations.

“Gawin mo lahat ng makakaya mo, gawin mo lahat ng bagay hanggang sa makakaya mo, 'wag kang susuko. Sobrang common no'n pero 'yun talaga 'yung pinaka kailangan gawin dahil naniniwala ako sa kasabihan na, 'Yung taong pinakananiniwala sa 'yo ay ang sarili mo,'” ani Stell.

Dagdag pa niya, “Kapag 'yung sarili mo na mismo 'yung nag-give-up sa 'yo, parang mawawalan na rin ng saysay 'yung mga ginagawa mo.”

Mensahe naman ni Stell sa mga talent na magiging parte ng kanyang team, “Kung meron akong isang bagay na ituturo sa mga magiging parte ng team ko 'yun ay ang magtiwala sa sarili at huwag mawawalan ng pag-asa sa mga gagawin nila dahil kasama niyo naman ako sa lahat ng gusto niyong gawin lalo na sa The Voice Generations.”

Ang The Voice Generations ay ang newest spin-off ng biggest singing competition sa mundo na The Voice mula sa ITV Studios.

Mapapanood ito for the first time hindi lamang sa Pilipinas kung 'di pati na rin sa buong Asya via GMA Network ngayong Agosto.

Para sa iba pang showbiz and entertainment updates, bisitahin ang GMANetwork.com.