GMA Logo The Voice Generations Premiere
What's on TV

'The Voice Generations' pilot episode trends on social media!

By Jimboy Napoles
Published August 28, 2023 1:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Kuya separates girls and boys; girls bring up concern on boys' green jokes
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

The Voice Generations Premiere


Maraming salamat sa inyong pagtutok, mga Kapuso!

Sabay-sabay na tinutukan ng television at online viewers ang pilot episode ng first-ever The Voice Generations sa Pilipinas at sa buong Asya kagabi, August 27, sa GMA Channel 7 at sa YouTube accounts ng GMA Network at ng mismong programa.

Sa nasabing premiere ng The Voice Generations, nakilala na ng host nito na si Dingdong Dantes ang first batch ng mga talent na sumalang sa blind auditions.

Nasaksihan na rin ang intense agawan ng talents ng apat na superstar coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell Ajero, at Chito Miranda dahil sa unique at naggagandang boses ng Pinoy talents na mula pa sa iba't ibang panig ng bansa.

Sa social media app na X, nasa number 1 spot ng Top Trending list ang official hashtag ng pilot episode ng The Voice Generations na #TVGWelcomeToMyTeam. Sa ngayon, umabot na sa 153,000 ang posts nito sa nasabing app sa loob lamang ng isang gabi.

The Voice Generations Premiere

As of writing, pumalo naman sa mahigit kalahating milyon ang video posts gamit ang #TVGWelcomeToMyTeam sa short-streaming video application na TikTok.

Tampok sa nasabing videos ang ilang clips at highlights ng performances ng coaches at talents na sumalang sa first blind auditions.

Sa Facebook, usap-usapan ng netizens ang pasabog na opening number ng coaches at ang buong production quality ng bagong singing competition.

“Opening pa lang pangmalakasan na talaga ang The Voice Generations. Puno pa ng katatawanan. 'Di ata nawala sa mukha ko ang ngumiti hanggang matapos,” post ng isang Kapuso viewer.

“Grabe! Ang ganda ng stage! Ang husay GMA Network galing!” masayang post ng isang netizen.

BALIKAN ANG THE VOICE GENERATIONS PREMIERE DITO:

Samantala, sa nasabing unang batch ng blind auditions nakakuha na ng tig-iisang grupo ng talents ang apat na coaches.

Pasok sa Team Bilib ni Coach Billy ang grupong Fources mula sa Quezon. Buena manong grupo naman sa Julesquad ni Coach Julie ang Alliyana Trio mula sa Bicol. Pasok naman ang grupong Vocalmyx mula sa Cagayan De Oro sa team ni Coach Stell na Team Stellbound. Parte na ng Parokya ni Chito, ang team ni Coach Chito, ang all-female group na Sorority mula sa Cebu.

Subaybayan ang The Voice Generations, tuwing Linggo, 7:00 p.m. pagkatapos ng Bubble Gang.