GMA Logo Dingdong Dantes Billy Crawford Julie Anne San Jose Stell Chito Miranda in The Voice Generations
What's on TV

'The Voice Generations' sing-off, simula na ngayong Linggo!

By Jimboy Napoles
Published September 29, 2023 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Tepid early turnout in Myanmar election as junta touts stability
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes Billy Crawford Julie Anne San Jose Stell Chito Miranda in The Voice Generations


Tutukan ang simula ng intense sing-off round ng The Voice Generations, ngayong Linggo.

Simula na ng next level ng competition sa pinakamalaking singing competition sa buong mundo, ang The Voice Generations.

Matapos ang limang linggo na blind auditions, sasalang naman ang talents sa sing-off round na magsisimula ngayong Linggo, October 1.

Sa round na ito, ang bawat limang grupo ng mga talent na nabuo ng apat na coaches sa kanilang team ang maglalaban-laban.

KILALANIN ANG THE VOICE GENERATIONS COACHES, DITO:

Ang team ni Coach Chito Miranda na Parokya Ni Chito ay binubuo ng limang grupo. Ito ay ang Sorority, The Queens, Twirali, Seendi, at ang duo na sina Kris and Cha.

Kumpleto na rin ang Team Bilib ni Coach Billy Crawford, kasama ang grupong Fources, Ayta Brothers, I.O.J. Band, P3, at GCode.

Kumpiyansa naman si Coach Julie Anne San Jose sa kanyang team na Julesquad. Ito ay ang Alliyana Trio, O Duo, Mamaland, Music & Me, at Chancess.

Nagbunga naman ang panliligaw ni Coach Stell sa kanyang mga napusuang talents kabilang ang Vocalmyx, Fortenors, Imperial Duo, Luntayao Family, at ang duo na sina Mark & Milly.

Ang The Voice Generations ay ang newest spin-off ng biggest singing competition sa mundo na The Voice mula sa ITV Studios.

Napapanood ito for the first time hindi lamang sa Pilipinas kung 'di pati na rin sa buong Asya via GMA Network.

Tutukan ang The Voice Generations sa bago nitong oras, 7:35 p.m. tuwing Linggo pagkatapos ng Bubble Gang.