GMA Logo Vocalmyx at Unang Hirit
Source: gmanews (YT)
What's on TV

Vocalmyx, hindi pa rin makapaniwala sa pagkapanalo sa 'The Voice Generations'

By Kristian Eric Javier
Published December 12, 2023 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Jimmy Mariano, former player and champion coach, passes away
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Vocalmyx at Unang Hirit


Hindi pa rin nagsi-sink in sa acapella group na Vocalmyx na sila ang nanalo sa 'The Voice Generations.'

“Siyempre po hindi pa po talaga nag-sink in sa'min.”

'Yan ang sinabi ng acapella group na Vocalmyx sa pagkakahirang sa kanila bilang kauna-unahang kampyon ng The Voice Generations. Binubuo ang grupo nina Raven Zamora, Renier Jupiter, Renz Romano, Reynan Jupiter, Rob Cataylo, Shanny Obidos, Charrise Apag, at Claire Rañoa.

“We're very happy and we're very proud of the group po kasi ito po 'yung isa sa mga pangarap ng grupo,” pagbabahagi ni Renz nang mag-guest sila sa Unang Hirit.

BALIKAN ANG MGA NAKAPASOK NOON SA SEMI-FINALS NG 'THE VOICE GENERATIONS' SA GALLERY NA ITO:

Noong Linggo, December 10, ay tinanghal bilang first-ever The Voice Generations winner ang grupo na pambato ni Coach Stell ng SB19 para sa Team Stellbound. Nang tanungin naman sila kung ano ang pinakamahalagang advice na ibinigay ng kanilang coach, ang sagot ni Renier, “The show must go on.”

“Ang pinaka-importante pong sinabi ni Coach Stell sa'min, everytime po na nasa stage po kami, kahit ano'ng mangyari, talagang the show must go on po,” pagbabahagi nito.

Dagdag pa niya, “Kahit anong circumstances ang dumating, talagang patuloy lang po sa ginagawa.”

Sa huli ay nag-iwan ng mensahe si Renier para sa kanilang coach. “Coach, kahit nasaan ka man po ngayon, we're so happy po and we're so blessed na naging coach ka namin, and naging parte ka po ng journey namin sa The Voice Generations.”

“Sana happy ka din po sa mga future plans [n'yo] po,” pagpapatuloy nito.

Panoorin ang interview ng grupo dito: