The Voice Generations Recap: The talented groups who passed the fourth blind auditions

Muling napabilib ang The Voice Generations coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell Ajero, at Chito Miranda sa performances ng talent na sumalang sa ikaapat na blind auditions ng nasabing singing competition.
Sa ikaapat na episode ng programa noong Linggo, September 17, napanood ang performances ng bagong limang talented group of singers sa The Voice stage. Ito ay ang Seendi, P3, Music and Me, Luntayao Family, and JDF.
Napahanga man dahil sa kanilang pangmalakasang boses ang apat na coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell Ajero, at Chito Miranda apat lamang sa kanila ang magpapatuloy sa kompetisyon.
Kilalanin ang grupo ng mga talent na nakapasa sa ikaapat blind auditions ng The Voice Generations:







