GMA Logo The Wall Philippines Live Stream
What's on TV

'The Wall Philippines' premiere, mapapanood din via live stream sa GMA Network website at GMA Network App

By Jimboy Napoles
Published August 24, 2022 9:11 PM PHT
Updated August 28, 2022 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

The Wall Philippines Live Stream


Good news, mga Kapuso! Ang inaabangang world premiere ng 'The Wall Philippines' ay mapapanood niyo rin via live stream sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.

Ilang tulog na lang at mapapanood na sa GMA Network ang Philippine edition ng The Wall kasama ang international artist, multi-talented at award-winning TV host na si Billy Crawford.

Pero mas pinatindi pa ng GMA ang excitement dahil hindi lamang sa inyong mga telebisyon mapapanood ang world premiere ng pinag-uusapang game show dahil puwede niyo rin itong panoorin via live stream sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.

Tiyak na kaabang-abang ang pagsisimula ng nasabing game show dahil bukod sa bigating host, masasaksihan sa game show ang paglalaro ng Kapuso stars at iba pang celebrity tandem kung saan sila ay sasalang sa iba't ibang hamon mula sa state-of-the-art 40-foot wall.

Sa kanilang diskarte, galing sa pagsagot sa mind-blowing questions, team work, at direksyon ng bola sa money bins nakasalalay ang kanilang makukuhang premyo na puwedeng umabot sa P10 million.

Abangan ang The Wall Philippines, ngayong August 28, Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.

Tumutok lang sa GMANetwork.com at sa GMA Network App para sa updates tungkol sa magaganap na live streaming.