IN PHOTOS: Jericho Arceo, at Donn Boco, ang best friends ni Alden Richards sa 'The World Between Us'

Marami ang natutuwa sa mga matatalik na kaibigan ng karakter ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa The World Between Us na sina Edison at Pitoy, na ginagampanan nina Jericho Arceo at Donn Boco.
Bago man sila sa mundo ng telebisyon, maituturing nang batikan sina Jericho at Donn sa mundo ng pagpe-perform.
Nauna nang nakilala si Jericho sa YouTube, kung saan mayroon siyang mahigit 600,000 subscribers sa kanyang channel.
Samantala, bago maging aktor sa telebisyon, ipinakita ni Donn ang talento niya sa entablado dahil parte siya ng Philippine Educational Theatre Association o PETA.
Mas kilalanin pa sina Jericho at Donn dito.












