SNEAK PEEK: Louie Asuncion 2.0 in 'The World Between Us'

Makikilala na ng mga manonood ang bagong bersyon ni Louie Asuncion, ang karakter na ginagampanan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa 'The World Between Us.'
Bago magbalik ang 'The World Between Us' sa telebisyon, nagbigay na ng patikim si Alden kung ano ang mangyayari sa kanyang karakter.
Kuwento ni Alden, talagang pinaghandaan niya ang mas matapang na bersyon ni Louie matapos nitong makalaya sa kulungan, kung saan niya nakilala ang kanyang tunay na ama na si Manuelito (Ricky Davao).
Sa katunayan, pati mga personal na mga gamit niya ay ipinahiram siya sa show upang maipakita ang mas sopistikadong si Louie.
Narito ang ilang pasilip sa kaabang-abang na episode ng 'The World Between Us' mamaya sa GMA Telebabad pagkatapos ng 'I Left My Heart in Sorsogon.'





