What's on TV

Jasmine Curtis-Smith, nagpasalamat sa suporta ng mga kapwa Kapuso para sa 'The World Between Us'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 6, 2021 4:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jasmine Curtis Smith


Nagpahayag ng suporta sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, at Bea Alonzo sa 'The World Between Us!'

Taos-pusong nagpasalamat ang isa sa mga bida ng The World Between Us na si Jasmine Curtis-Smith sa suporta ng mga kapwa niya Kapuso sa kanilang bagong teleserye.

Noong nakaraang linggo kasi ay nagpadala ng mensahe ng pagsuporta sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, at ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo para sa The World Between Us.

"All of us are very grateful sa lahat ng suporta na pinapakita ng mga kapwa Kapuso stars namin," saad ni Jasmine sa report ng 24 Oras.

"And, you know, even other colleagues outside of the Kapuso network, meron pa ring nagpo-post for us to support the show."

Sa isang video kasi ay hinikayat nina Dingdong, Marian, at Bea ang kanilang fans na manood ng The World Between Us, ang pinaka-inaabangang primetime series ng GMA ngayong 2021.

Sa katunayan, kinumpara pa nina Dingdong at Marian ang pagmamahalan ng kanilang karakter sa Endless Love na sina Johnny at Jenny sa karakter nina Louie at Lia sa The World Between Us.

Si Jasmine ang gumaganap na Lia samantalang si Asia's Multimedia Star Alden Richards naman si Louie.

Pahayag nina Dingdong at Marian, "Pag-ibig na mahirap aminin dahil close kayo ng taong mahal mo? Naranasan na rin namin 'yan pero naging totoo kami sa feelings nami."

"Kaya Louie and Lia, endless man ang hadlang, kayang kaya niyo 'yan kung endless rin ang pagmamahal niyo sa isa't isa."

Para naman kay Bea, higit pa sa magagaling na aktor ang dahilan kung bakit kailangan panoorin ang The World Between Us.

Saad niya, "With that casting and that plot, you know that you should see 'The World Between Us.'"

"Trust me, after all, ako naman ay mahilig rin sa romance, kagaya mo, Kapuso."

Mapapanood ang The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Bukod kina Alden at Jasmine, star-studded ang makakasama nila sa The World Between Us. Kilalanin sila dito: