What's on TV

Alden Richards, nagpasalamat sa kanyang fans sa suporta nila sa 'The World Between Us'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 8, 2021 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Mula sa tumbler, keychains, at face masks, pinaghandaan talaga nang husto ng fans ni Alden RIchards ang pilot week ng 'The World Between Us.'

Bumuhos ang suporta ng fans ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa pilot week ng The World Between Us ngayong linggo.

Mula sa tumblers at posters hanggang sa face masks na may tatak ng The World Between Us, talagang pinaghandaan ng mga fans ni Alden ang kanyang pagbabalik primetime.

Dahil dito, taos pusong nagpasalamat si Alden sa kanyang mga tagasuporta.

"Maraming maraming salamat po, especially sa lahat ng supporters ng 'The World Between Us,' sa lahat ng conscious effort," saad ni Alden sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

Ginagampanan ni Alden sa The World Between Us ang matalinong si Louie na maagang naulila dahil namatay sa aksidente ang kanyang inang si Clara (Glydel Mercado).

Dahil dito, kukupkupin siya ng mayamang si Rachel Libradilla (Dina Bonnevie), at patitirahin ito sa kanyang bahay kasama ang mga anak niyang sina Lia (Jasmine Curtis-Smith) at Brian (Tom Rodriguez).

Kilalanin pa ang ibang mga bida ng The World Between Us dito:

Patuloy na panoorin ang The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Sa mga Kapuso abroad, mapapanood ang programa sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.