GMA Logo Alden Richards in The World Between Us
Source: GMA Network
What's on TV

'The World Between Us' teaser, mas lalong nagpa-excite sa mga manonood

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 5, 2021 5:42 PM PHT
Updated November 5, 2021 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Paolo Contis, aminadong marami siyang nagawang pagkakamali sa buhay
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards in The World Between Us


Napanood niyo na ba ang patikim sa muling pagbabalik ng 'The World Between Us' sa telebisyon?

Excited na ang mga manonood ng The World Between Us sa muli nitong pagbabalik telebisyon ngayong buwan.

Kahapon, November 4, inilabas na ang unang teaser kung saan nagkaroon ng ideya ang mga manood kung anu-ano ang mangyayari sa mga karakter nina Louie (Alden Richards), Lia (Jasmine Curtis-Smith) at Brian (Tom Rodriguez).

Dahil sa mga patikim na mga eksena, hindi na tuloy makapag-intay ang mga manonood nito.

Komento ng ilan, "Excited na to see in your revenge arc Louie Asuncion."

Bukod sa mga naunang cast, kasama na rin sa pagbabalik ng The World Between Us ang beteranong aktor at direktor na si Ricky Davao.

Dahil dito, hinuhulaan na ng mga manonood kung ano ang papel na gagampanan ni Ricky.

Abangan ang pagbabalik ng The World Between Us, malapit na sa GMA Telebabad.