
Mapapanood nang muli sa telebisyon ang teleseryeng pinagbibidahan nina Asia's Multimedia Star Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez na The World Between Us simula November 22.
Sa video na inilabas ngayong araw, November 9, may patikim na kung ano-ano ang dapat abangan sa season return ng The World Beween Us.
Dahil opisyal na ang pagbabalik ng The World Between Us sa telebisyon, nagkaroon tuloy ng selebrasyon ang isa sa mga bida nitong si Yana Asistio.
Sulat ni Yana, "Ang just like that WE ARE BACK MGA KAPUSO!!!!"
Saan kaya mauuwi ang masayang pagsisimula ng pagmamahalan nina Louie at Lia?
Abangan ang pagbabalik telebisyon ng The World Between Us sa November 22 sa GMA Telebabad pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon.
Abangan din ang muling pag-ere nito sa GMA Pinoy TV.
Balikan ang naging lock-in taping ng cast sa gallery na ito: