
Sa ika-apat na linggo ng The Write One, madadawit si Savana (Bianca) sa iskandalo dahil sa isang viral video.
Agad na darating ang abogadong si Hans (Paul Salas) para tulungan siya, habang gagawin ni Joanne (Alma Concepcion) ang lahat para maisalba ang career ng anak, kahit tutol dito si Savana.
Samantala, gusto nang bawiin ni Congressman Ramon (Mon Confiado) mula kay Liam (Ruru Madrid) ang movie project.
Para maliwanagan ang kapatid, ipapaalam ni Vergil (Royce Cabrera) kay Liam ang katotohanan sa likod ng kanilang mga negosyo.
Panoorin ang highlights ng ika-apat na linggo ng The Write One.
A scandal that will ruin the superstar's reputation
An act to save a superstars' dying career
The evil Congressman's terrible demand
A little revenge for the malicious starlets
Patuloy na panoorin ang The Write One, Monday to Thursday, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:25 p.m. Maaari ring mag-stream ng advanced episodes nito, anytime, anywhere sa www.viu.com.